Saturday, August 18, 2018

"Ang Hiwaga Ng Walis Ting-ting!"


Kong kukoha ka ng isang tingting at ipatayo mong mag isa, makatayo ba?

Siguradong hindi talaga makatayo! Pero kapagmarami ang mga magkaka samasama, makatayo ba? Yes! Sure!

Speaking of wasssshhiii-wasssshiiiii, isa sa mga hiwaga  ng puno ng niyog ay ang WALIS TING-TING.

Ang sabi ng ilan, hindi ka daw pinoy kapag wala ka nito sa loob ng bahay.

Kong ang walis tambo ay ginagamit sa loob ng bahay, ito naman ang walis na ginagamit sa labas ng bahay.


 Madalas to ipang-linis ng mga maliliit na kanal o basang lugar, ipang-toothpick o kaya naman ay pamalo sa bata at mga pusa.

Tunay na part na talaga ng pang-araw-araw na buhay ng isang pinoy ang pang-linis na ito.

Ang walis ting-ting ay binubuo ng napakadaming ting-ting (manipis at mahabang parang-kahoy na nakukuha sa dahon ng puno ng niyog) na pinagsasama-sama sa pamamagitan ng isang tali.

Dahil sa ganitong anyo kayang-kaya ng kagamitang ito na walisin ang mga mababato, basa at sobrang duming lugar. Di gaya ng walis tambo, kaya nitong linisin ang mga matitigas at mahirap na linising mga lugar.

Katulad ng walis ting-ting, ang TAGUMPAY ay hindi nakakamit ng mag-isa.


Ang isang grupo ay kailangang magsama-sama anu man ang suungin o pagdaanan.

Kailangang ding magpakumbaba at matutong magbigay sa mga kasamahan ang bawat isa. Matinding pagunawa at pagiintindi ang kailangan sa bawat oras.

Hindi rin pwedeng ang isang ting ting ay nakaangat kasya sa iba, kung hindi ang mga nasa ibaba lamang ang makakagagawa ng gawain, dahil dito maaaring marami ang masira at mabali.

Kailangang matutunan ng bawat isa na magpahalaga at magdikit-dikit lalo na sa matinding pagsubok, dahil ito lang tanging paraan para mapagtagumpayan ang gawain.


Maaring sa basa, batuhan, madumi, mabaho at kasulasulasok ang pagdaanan, ngunit kung sama-sama walang matigas na chiklet na nakadiket sa sahig ang hindi pwedeng walisin.

Katulad din tali na naguugnay sa mga ting-ting, kailangang ng pag-gabay ng isang lider.

Ang tali ay kailangang maging matatatag sa kanyang mga ting-ting, maging masakit man ang paghawak at pagsasama-sama sa kanila, mananatili pa rin ang paniniwala nito sa kanyang mga ting-ting na malalagpasan nila ang mga pagsubok.

Dahil sya ang naguugnay sa bawat isa, kailangang siya rin ang manguna sa relasyon ng grupo. Ang bawat nasasakupan ay may ibat-ibang ugali at personalidad, bilang isang lider kayang-kaya niyang gumawa ng paraan upang mapatibay ang samahan.


Tandaan na ang tali ang kumakapit sa mga ting-ting, hindi pwedeng maging maluwag ang pagkakapit nya sa mga ito, kung hindi mabubuwag ang samahan.

At syempre kailangan magtiwala ng walis ting-ting sa kanyang Amo. Ang Amo ay ang gumagamit sa walis ting-ting.


Siya ang gumagabay at nangunguna kung anung direksyon ang tatakbuhin ng grupo.

Kailangan lagi tayong maniwala at magtiwala na kahit saan man tayo dinadala at anu man ang bagay na ipinagagawa, ALAM NG DIYOS ANG KANYANG GINAGAWA!


Wag tayong mawalan ng pag-asa dahil hindi ipapalinis ng amo sa isang walis ting-ting ang isang bagay na magiging dahilan upang masira at mabuwal ang mga ito.

Ang isang grupo ay nagmamahalan, kaya hindi papayag ang sinu mang mapahamak ang kanyang kasamahan.

Hindi kayang pabayaan ng lider ang kanyang nasasakupan, dahil alam nyang kailangan nila ang bawat isa.

At hindi papayag si LORD na mabuwal ang kanyang walis ting-ting, dahil mahal nya ito at hindi nya hahayaang masayang ang sino man sa kanila.

-CTO-

CONGRATULATIONS kaibigan!!! Dahil tinapos mong binasa ang article na'tu

Alam kong ang daming magandang aral ang napulot at natutonan mo.

Kaibigan please mag comments kayu sa may comments section sa baba Kong ano ang masabi mo sa article na'tu.
*********

RELATED TOPICS TOUCH TO ACCESS
👇   ðŸ‘‡   ðŸ‘‡   ðŸ‘‡   ðŸ‘‡

BUSINESS OPPORTUNITY CALLING

TRAINING FOR ONLINE BUSINESS

COMMISSION PLAN CLICK HERE



GREEN COFFEE BENEFIT CLICK HERE

COMPANY LEGALITIES CLICK HERE

ONLINE INCOME SECRET MACHINE

ANY CONCERNS? PM ME CLICK HERE

GOD bless you and
Wishing You GOOD LUCK!!!
Your Friend,
Oscar Albaira

No comments: