Ang pangarap ay hindi nakukuha agad-agad. Ito ay nagsisimula sa isang pagpaplano tungkol sa mga bagay na gusto nating mangyari sa ating buhay.
Ang plano na minsa’y nanggagaling sa pagkakaroon ng inspirasyon mula sa ibang tao upang pagtibayin ang inyong paniniwala na balang araw ay matutupad lahat ng inyong panaginip.
Hindi madaling abutin ang mga pangarap. Marami kang pagdadaanan at marami kang pagsubok na haharapin.
Diyan masusukat ang iyong katatagan at pagtitibayin ang inyong pananampalataya. Madali lang mangarap.
Isip at imahinasyon ang ginagamit para makita natin kung anong mga posibleng mangyari bukas, sa isang linggo, sa isang buwan o sa isang taon.
Lahat ng kagustuhan natin ay lumalabas at yun ang nagiging dahilan upang maka buo ng isang pangarap.
Walang sumusuko sa mga taong nangangarap. Kahit gaano kahirap abutin basta gusto mong maisakatuparan ang lahat, gagawin mo ang sinisigaw ng iyong puso’t isipan.
Kung pursigido kang abutin lahat lahat, pwes kumilos ka. Walang mangyayari sa taong tamad.
Ang buhay ay maikli lang at ang layunin nating lahat ay maisakatuparan ang lahat ng ating plano sa ating buhay. Kung papaano mo aabutin, diskarte mo na lang.
Ang pangarap ay kaakibat ng hiling. Ito ay sinasama natin sa ating panalangin. Kung positibo kang mag-isip, alam mo at panatag ka sa sarili mong matutupad lahat ng pangarap mo sa tamang panahon.
Kumilos ka lang at wag susuko. Wag kalimutan magbalik tanaw sa mga taong naging susi para makahakbang ka sa hagdan ng iyong pangarap.
Ang mga oportunidad na dumarating sa inyo ay wag talikuran. Kunin niyo ito!
Malay niyo ito ang maging susi para mas mapalapit ka sa pag-abot mo ng pangarap. Manatiling positibo.
Unahan mo ng magagandang pangitain ang mga bagay na gusto mo pa lang mangyari.
Alam nating mahirap ang pagdadaanan natin bago natin maabot ang ating mga pangarap.
Pero hindi dahilan yun para pangunahan tayo ng takot, pagsuko, at kawalan ng tiwala sa sarili.
Sarili mo lang ang kalaban mo kaibigan. Kung magpapatalo ka sa negatibong takbo ng isip mo, sigurado akong walang mangyayari sa pangarap mo.
Pag nangarap ka ngayon, hindi yan matutupad kinabukasan. Ang pangarap ay natutupad paunti-unti depende sa sitwasyong inyong tinatahak.
Depende sa diskarteng ginagawa mo at depende rin ito sa iyong pagsisikap. Sa dami ng ating pangarap, hindi yan inaabot ng sabay-sabay.
Isa-isa lang, mahina ang kalaban. Libre lang naman mangarap hindi ba?
Wag kayong magpadala sa mga negatibong sinasabi ng mga tao sa paligid niyo.
Sabihin man nilang imposible ang mga pangarap niyo, nasa sa inyo yan kung magpapa apekto kayo at susuko o magbibingi-bingihan na lang at magpapatuloy.
Kung ako ang nasa sitwasyon ninyo, tatakpan ko na lang ang tenga ko at magpapatuloy. Walang kwentang makinig sa mga negatibong sinasabi ng iba.
Gawin mo na lang insipirasyon ang mga sinasabi nila at gawing bala para magtagumpay sa huli. Makita niyo na lang, nganga sila pag nasa tuktok ka na.
Kung naabot niyo na ang pangarap niyo, wag masyadong mayabang. Pag yan gumuho, ikaw ang pagtatawanan.
Matuto lumingon sa nakaraan o sa pinang galingan. Kung hindi dahil sa mga nakaraan, wala ka sa iyong kinalalagyan.
O ano kangitian, nakaka relate ka? Kung oo, mabuti naman. Mag-isip ka. Abutin mo ang dapat abutin. Gawin mo ang mga dapat gawin.
Pero tandaan, kapag gumuguho ang pangarap, hindi solusyon ang pagsuko. Kung gusto mo, unti-unti mong itayo ulit.
Matagal pero nakasisiguro kang matutupad ang lahat ayon sa iyong kagustuhan.
Magkaroon ng mabuting puso, lahat ay darating sayo sa tamang panahon.
CTO
********
CONGRATULATIONS!!! At maraming salamat kaibigan na tinapos mo ang pagbasa ang article na'tu, I hope na marami kang natutonan, at sana malaki ang naitulong ito sa'yu para madagdagan ng sapat ang lakas at tapang mo para sumulong na walang orong at walang katakot takot para sa katuparan ng mga pangarap mo sa buhay at sa pamilya mo.
********
CLICK TO ACCESS OPTION BELOW
👇 👇 👇 👇 👇
WHAT IS QUAD CREATIVES?
ONLINE INCOME SECRET MACHINE
SHOW ME HOW TO START
COMMISSION PLAN CLICK HERE
ANY CONCERNS? PM ME CLICK HERE
GOD bless you and
Wishing You GOOD LUCK!!!
Your Friend,
Oscar Albaira
No comments:
Post a Comment